Why I created my Youtube channel?
I created this post to serve as a reminder for me kung ano ba ang mga rason kung bakit ko ginawa ang Youtube channel kong 'Pinoy Dark Stories with Inikozen'. Ginawa ko rin ito para malaman ng mga manonood ang purpose ng bawat kwentong aking isinulat at isinasalaysay:
- To serve as a reminder. Gusto kong makasagip ng tao gamit ang mga babalang nakalakip sa mga kwentong ginagawa ko. Ang bawat kwento ay hango sa totoong buhay - gusto kong magserve ito na reminder sa mga tao na kapag nagpatuloy pa rin sila sa paggawa ng mga bagay na ginagawa ng mga karakter sa kwento ay baka matulad rin sila sa mga ito.
- To entertain. Hindi naman gaano mahaba ang mga videos na aking ginagawa kaya maari nilang panoorin ito upang libangin ang sarili.
- To entice people to read books again. At dahil nalibang ko sila, gusto ko silang maengganyo na bumalik sa pagbabasa ng mga libro. Maraming magagandang kwento na naghihintay lamang na mabasa, kaya sana ay maraming tao ang bumalik sa pagbabasa.
- To express my creativity. Imbis na gamitin ko ang aking libreng oras sa mga walang katuturang bagay, gagamitin ko na lang ito para mas iimprove pa ang sarili't i-dedicate ang mga oras na iyon sa aking craft.
Ginawa ko ang Youtube channel at ang mga libro ko with these purpose in mind. I hope na masiyahan ang kung sino mang makapanood o makapagbasa ng aking mga gawa. 💚
✨ To get the latest updates, you may also subscribe to my RSS feed ✨